Tuesday, August 17, 2010

Mga Punong Puno ng Alaala

Ang APO tree, puno sa gilid ng Federizo Hall,ay isa sa mga pinagtatambayan ng mga mag-aaral. Tinawag itong apo tree dahil ang tao daw na nagtanim ng punong ito ay isa sa mga naging miyembro ng kanilang samahan.Hindi lamang ang mga miyambro nito ang pwedeng tumambay at magpalipas ng oras rito . Ito ay maaaring puntahan ng sino man isang pagtatama sa akala ng iba na bawal dito.

Di maitatanging isa ang mga puno sa pinipiling gawing tambayan ng maraming mag-aaral sa BulSU. May katahimikan din kasing naidudulot ito. Bukod pa dito, ang lilim at preskong simoy ng hangin ay hindi maitatangging kay sarap lasapin. Mga punong nagbibigay kulay hindi lamang sa mundo kundi pati na rin sa maraming buhay ng mga tao



Maging ang tinatawag na BATIBOT na matatagpuan sa gilid ng Roxas Hall na nagsisilbing tambayan ng mga C




Ang IPM o Ilalim ng Punong Mangga sa tabi ng Natividad Hall na nagsisilbing tambayan ng mag Engineering studs.

Saan ang Tambayan Mo?

           Sa kabi -kabilang gawain na nakapasan sa isang mag-aaral, hindi maiiwasan ang kapaguran ng murang katawan. Sulat dito, sulat don ang siklo na syang nagdudulot ng pagkahapo hindi lang ng katawan . Kundi pati na ng isipan. Mga gawain at tungkulin na minsa'y umuupos sa kanyang lakas. Bunga nito ay ang paghahanap ng tulad ko ng mga lugar at pasyalan na lilibang sa aking sarili at sa mga kapwa ko mag-aaral.

           Ang Bulacan State University ay maraming mga pasyalan at tambayan na pinaglilipasan ng oras ng mga mag-aaral. Sa mga lugar na ito, binibigyan ng oras ng isang indibidwal ang kanyang sarili para magpahinga. tulad ng Graceland na sadyang naging patok di lamang dahil narito ang iba't ibang pangangailangan ng mga mag-aaral. Kundi dahil na rin sa computer shop na "in" sa modernong panahon. Ang McDo na isa ring spot bunga narin ng maayos na facilities at kasiguraduhan ng kalinisan ng pagkain. At panghuli, ay ang ka- cheapan na isang kainan at ginawa na ring tambayan ng magkakaklase, magkakaibigan,magkasintahan at kung sinu-sino pa dahilan ng kamurahan ng pagkain





 


   

                      Ang mga pasyalang ito ang nagsisilbing pansumandaliang pahingahan ng mga mag-aaral. Ito rin ang tumutugon upang mabigyan ng laan na oras ang bawat isa para magbahagi ng kanilang suliranin at mga dramang bukid. Ang pagpasyal din ang mabisang paraan ng pagpapalawak ng pakikipag-ugnayan natin sa iba. Ikaw, san ang tambayan mo?

In na In na Tambayan sa BulSU

           Maraming paboritong tambayan ang mga estudyante ng BSU. Dahil wala namang ibang gagawin kundi tumambay na lang pag walang klase,kumbaga pampalipas oras. Kasama na rin dyan ang bonding ng barkada sa paboritong tambayan.Kung minsan eto pa yung ginagawa nating hintayan.

    1. Student's Park
      
    Isang lugar na masasabi kong masarap tambayan.Matatgpuan ito sa harapan ng Carpio Hall.Di ko alam kung bakit pagpasok pa lang sa umaga eh! marami na kaagad ang mga estudyante na nakatambay dito.Siguro dahil malapit ito sa mga building ng mga estudyanteng always present dito lalo na ang mga HRM. Makakarelax ka dito dahil mahangin at pwedeng gumawa ng mga ass.dahil may lamesa at upuan.Medyo may kalawakan din ang lugar na ito. Kaya dito din laging nagpapraktis ang mga dancers.Wala na akong ibang maipapaliwanag tungkol dito. Basta ang alam ko isa ito sa mga patok na tambayan sa BSU. 

     







 
    2. Lover's Lane

      Ito naman yung walkway na madadaanan mo sa Main gate ng campus. Bakit nga ba lover's lane ang bansag dito?
Obviuos naman diba lovers it means mag jowa lagi ang mga tambay dito. Di naman boring tumamabay dito kasi bukod sa maraming dumadaan,maaaliw ka pang panoorin ang mga player na naglalaro sa Activity Center. nasa harapan lang din kasi ito. So ayun lang siguro yung magandang explanation dito. Basta for me and also to all students pf BulSU. Hindi kami magsasawang tumambay dito.

      















    




3.LRT

       Naman ang isa pang in na tambayan dito.Oooops... wala pong lrt sa loob ng BSU. Ito lang ang upuan sa lrt. Matatagpuan ito sa walkway sa gate 2 sa gilid ng Roxas Hall. Okay tumambay dito kasi mahangin din naman, yun nga lang eh kung di pa masyadong mataas ang sikat ng araw. Medyo mainit kasi ang singaw ng bubong nito.

       





       Ahhhhh!!!!advise ko lang sa mga students. Alam kong masarap tumambay. Pero still we need to prioritize our studies. Pwede naman kasi tayong tumambay sa favorite place natin after class di ba....so ayun lang!!!!

Monday, August 16, 2010

Tambayan: Masama o Mabuti ?

                From the root word "tambay", ang mga taong namamalagi o lumulikha ng lugar na pinagtatambayan. Dito nagaganap ang walang puknat na tawanan at kwentuhan ng magkakaibigan. Kung saan nagpapalipas ng oras at nagkakaroon ng bonding ang mga magkakaklase, ginagawa ang mga assignment at nagpapahinga.Kahit san ka tumingin makakakita ka nito. Sa loob man ng bahay o sa labas ng kalsada. May mga naaangkop na lugar sa ibat' ibang personalidad ng tao. Kaya siguro kumakalat ito ay sa kadahilanang tayo din ang gumagawa nito. Kung bakit saan mang sulok ay may natatambayan tayo. Pag nga lang may nadaanan tayong lugar at dun tayo nagpalipas ng oras at na-enjoy natin ang tinatawag na atmosphere doon binabalik-balikan natin at nagsasama pa tayo ng iba para naman makita nila ang kagandahan ng lugar na iyon. Lahat naman tayo'y nagkakaroon ng lugar na tatambayan.
                 Nagsisilbi itong buklod sa pagsasama ng mga nakatambay. Ganyan naman tayong mga Pilipino mahilig maglalabas at pumunta sa lugar ng ating mga kaibigan . Outlet din ito sa kung ano man ang ating  nararamdaman. Nalilimutan natin lahat ng ating mga hinanakit sa buhay pag kasama ang mga kaibigan at doon nagja-jamming dinadaan na lang sa kanta at tawa.
                  Maging masama o mabuti man ang naidudulot nito sa kabataan ay kanya kanyang trip yan. Walang basagan ng trip. Ang sa akin lang alagaan ang pinagtatambayan para marami pang henerasyon ang makagamit nito.Sino ba naman ang may gusto sa lugar na mabaho at madumi. Ilan sa mga halimbawa ng mga lugar na pinupuntahan ng mga estudyante sa labas ng BulSU.


1. Upgrade Youth Hub
                    
               Isa ito sa mga kilalang tambayan ngayon ng ibat'-ibang estudyante . Makikita ito sa tapat ng Puregold. Lahat ay maaring pumunta dito. Meron silang TV, computer, library, maglaro ng board games at musical instruments. Pwede ding kumain at matulog pati ng free counselling. Nung nakaraang pasukan nagkaroon sila ng mga imbitasyon para sa mga freshmen na libreng ice cream.Nagkaroon ng cell group isa itong paraan upang mapalapit ang kabataan sa Diyos sa isang makabago at astig na paraan.Mababait ang mga kasapi dito. marami rin silang mga activities na ginagawa araw-araw. computer,







2. Dota Land


           Dahil sa pag-unlad ng teknolohiya sa ngayon nalululong ang mga kabataan sa mga hi-tech na kagamitan. Isa na dyan ay ang computer. Sa mga maykaya mayrong laptop  pero pag wala nagpupunta na lang sa computer shop. meron nito malapit sa skul ang tinatawag nilang Dota Land. Nakapunta na ako dito at masasabi kong patok  ito. Mapa matanda o bata, estudyanta o hindi. Sikat dito ang paglalro ng dota lalo na sa mga kalalakihan minsan nga nagkakapustahan pa.Kung di mo alam kung pano laruin to mag - open ka na lang ng mga social networking site tulad ng facebook. Mga paraan para makamusta mo ang mga kamag-anak mo sa ibat-ibang lugar at makakilala ng mga foreigners. may youtube din , na gustong-gusto ko dahil sa mga video at music na makikita dito.Pwedeng gumawa ng research at project sa school na dati ginagawa natin sa library. Mahilig tayo sa instant, isang click mo lang nandyan na ang sagot sa mga tanong mo.
                                                                                                  Tunay ngang malaki na ang naiunlad ng teknolohiya sa ating bansa. Kung maganda ang epekto nito sa pag-unlad ng ating kaalaman may masama pa rin ito. Matagal ng usapin ang mga computer shop na malapit sa paaralan isa na sa mga nagrereklamo ay ang mga magulang na inaakalang nag-aaral ang kanilang mga anak. Ok lang naman ito wag lang sosobra. Sabi nga nila masama pag sobra tama na ang 1 o 2 oras ng pag-iinternet. Ubos na ang pera mo gutom ka pa dahil sa maling paggastos.

3. Mini Forest 
          
        Kung gusto mo namang  maranasan na mapalapit sa kalikasan dito ka pumunta. Maraming puno na nagsisilbing silong sa araw, masarap at preskong simoy ng hangin. Meron ding mga parang lapida. Doon iniukit ang mga pangalan ng mga sikat na personalidad  at mga bayani na sumikat sa kani-kanilang larangan, sila ay mga tubong- Bulacan.  May mga upuan para tambayan ng mga estudyante . Marami ding magkasintahan ang naglalagi dito at lantad na ipinahahayag ang kanilang nararamdaman. Kung gaano kaganda ang lugar na ito sa umaga ay syang ikinapangit nito pagkagat ng dilim. Sinasabi ng ilan na may mga karimarimarim na nangyayari dito lalo na sa magkasintahan.  Nagsisilbi din itong kanlungan ng mga kababaihang nagbibigay ng panandaliang aliw.
jjj

        Ano man ang maging anyo at epekto nito sa atin isa pa rin ang naidudulot nito isang lugar na pwedeng puntahan at magpalipas ng oras kasama ang mga kaibigan.

Ilan sa mga sikat na tambayan ng mga BulSUans

Ang tambayan,bow! Pagnababanggit ang mga salitang ito karaniwan na ang negatibong konotasyon dito. Maraming nag-iisip na ang tambayan ay lugar ng mga taong walang magawa sa buhay at inuubos ang oras sa pagtanga lang. Ngunit kung iisipin,pwede rin naming maging positibo ang kahulugan ang salitang TAMBAYAN. Na hindi lang pag-uubos ng oras ang maaaring gawin dito!
May mga lugar sa loob at labas ng Bulacan State University(BulSU) na sikat na sikat na tambayan ng mga BulSuan,kung iisipin ninyong pag-uubos lang ng oras ang ginagawa naming dito. Aba, ibahin ninyo ang mga tambay na ‘to. May ginagawa rin kaming makabuluhan tuwing nasa tambayan kami. May mga pagkakataong gumagawa kami ng project sa tambayan, naggu-group study din at kung anu-ano pa. Productive sabi nga nila. Ito ang ilan sa mga sikat na tambayang sinasabi ko:


   Wifi ng Bayan                                                    

Nasa harap ng Federizo Hall ito. Kung titingnang mabuti, halos nakapaloob ito sa kakaibang hugis ng Federizo Hall na pa-letrang ‘U’. Nasa likod din ito ng Chess Institute at Student Government Office. WiFi ang lugar na ito kaya puntahan ng mga estudyanteng may mga laptop. May mga batong bangko at lamesa dito na pwedeng gamitin ng mga estudyante. Kulay berde ang mga upuan at mesa na may cute na disenyo. Hindi basta paderetso ang nga bangko dito, pakurba ang mga ito sunod sa pagkakakurba ng mga mesa. ’Yung mga mesa naman kakaiba dahil parang tinanggalan ng kalahating parisukat ang magkabilang dulo nito.























Baywalk
Nasa pagitan ito ng Chess Institute at Federizo Hall. Kalapit din lang ito ng WiFi ng bayan. May mga pabilog at pahabang lamesa dito na may bubungan at may nga bench na pwedeng upuan ng mga BulSUans. May WiFi din ang lugar na ito kaya madalas kang makakakita ng mga taong nagla-laptop.
Tinatawag na baywalk ito dahil pag tiningnan mo ang disenyo ng mga lamesa at upuan ay parang sa baywalk din. Catwalk at Paradise Resort ang iba pang tawag dito. Sabi ng ilan na nakausap ko, para daw kasing nasa Paradise resort ka (isang kilalang resort ito sa Malolos).
'Di lang mga taga-Federizo ang madalas dito.marami ding naglalagi ritong mga engineering at nursing students. Minsan pa nga dito gumagawa ng science experiments ang mga engineering students na kakilala ko. Kami ring mga educ. students ay nagpupunta dito lalo na kapag nagrerebyu kami sa mga darating na test.




Sementeryo


Ang sementeryong ito ay hindi yung nakakatakot na sementeryo. Nasa harap ito ng Office of the Registar. Ito ang covered walk papunta sa nasabing opisina. Tinatawag itong sementeryo dahil sa mga lamesa at upuan dito. Mukha daw nitso ang mga lamesa at upuan dito dahil itim ito at tuwid na tuwid kung oobserbahan.
Karaniwang naglalagi dito ang mga engineering students dahil malapit ito sa Natividad Hall . Pag oras ng vacant marami-rami rin ang mga tumatambay dito, pero pag hapon at umaga naman madalang na.