Ang tambayan,bow! Pagnababanggit ang mga salitang ito karaniwan na ang negatibong konotasyon dito. Maraming nag-iisip na ang tambayan ay lugar ng mga taong walang magawa sa buhay at inuubos ang oras sa pagtanga lang. Ngunit kung iisipin,pwede rin naming maging positibo ang kahulugan ang salitang TAMBAYAN. Na hindi lang pag-uubos ng oras ang maaaring gawin dito!
May mga lugar sa loob at labas ng Bulacan State University(BulSU) na sikat na sikat na tambayan ng mga BulSuan,kung iisipin ninyong pag-uubos lang ng oras ang ginagawa naming dito. Aba, ibahin ninyo ang mga tambay na ‘to. May ginagawa rin kaming makabuluhan tuwing nasa tambayan kami. May mga pagkakataong gumagawa kami ng project sa tambayan, naggu-group study din at kung anu-ano pa. Productive sabi nga nila. Ito ang ilan sa mga sikat na tambayang sinasabi ko:
Nasa harap ng Federizo Hall ito. Kung titingnang mabuti, halos nakapaloob ito sa kakaibang hugis ng Federizo Hall na pa-letrang ‘U’. Nasa likod din ito ng Chess Institute at Student Government Office. WiFi ang lugar na ito kaya puntahan ng mga estudyanteng may mga laptop. May mga batong bangko at lamesa dito na pwedeng gamitin ng mga estudyante. Kulay berde ang mga upuan at mesa na may cute na disenyo. Hindi basta paderetso ang nga bangko dito, pakurba ang mga ito sunod sa pagkakakurba ng mga mesa. ’Yung mga mesa naman kakaiba dahil parang tinanggalan ng kalahating parisukat ang magkabilang dulo nito.
Nasa pagitan ito ng Chess Institute at Federizo Hall. Kalapit din lang ito ng WiFi ng bayan. May mga pabilog at pahabang lamesa dito na may bubungan at may nga bench na pwedeng upuan ng mga BulSUans. May WiFi din ang lugar na ito kaya madalas kang makakakita ng mga taong nagla-laptop.
Tinatawag na baywalk ito dahil pag tiningnan mo ang disenyo ng mga lamesa at upuan ay parang sa baywalk din. Catwalk at Paradise Resort ang iba pang tawag dito. Sabi ng ilan na nakausap ko, para daw kasing nasa Paradise resort ka (isang kilalang resort ito sa Malolos).
'Di lang mga taga-Federizo ang madalas dito.marami ding naglalagi ritong mga engineering at nursing students. Minsan pa nga dito gumagawa ng science experiments ang mga engineering students na kakilala ko. Kami ring mga educ. students ay nagpupunta dito lalo na kapag nagrerebyu kami sa mga darating na test.

Sementeryo
Ang sementeryong ito ay hindi yung nakakatakot na sementeryo. Nasa harap ito ng Office of the Registar. Ito ang covered walk papunta sa nasabing opisina. Tinatawag itong sementeryo dahil sa mga lamesa at upuan dito. Mukha daw nitso ang mga lamesa at upuan dito dahil itim ito at tuwid na tuwid kung oobserbahan.
Karaniwang naglalagi dito ang mga engineering students dahil malapit ito sa Natividad Hall . Pag oras ng vacant marami-rami rin ang mga tumatambay dito, pero pag hapon at umaga naman madalang na.
No comments:
Post a Comment