Ang Bulacan State University ay maraming mga pasyalan at tambayan na pinaglilipasan ng oras ng mga mag-aaral. Sa mga lugar na ito, binibigyan ng oras ng isang indibidwal ang kanyang sarili para magpahinga. tulad ng Graceland na sadyang naging patok di lamang dahil narito ang iba't ibang pangangailangan ng mga mag-aaral. Kundi dahil na rin sa computer shop na "in" sa modernong panahon. Ang McDo na isa ring spot bunga narin ng maayos na facilities at kasiguraduhan ng kalinisan ng pagkain. At panghuli, ay ang ka- cheapan na isang kainan at ginawa na ring tambayan ng magkakaklase, magkakaibigan,magkasintahan at kung sinu-sino pa dahilan ng kamurahan ng pagkain

Ang mga pasyalang ito ang nagsisilbing pansumandaliang pahingahan ng mga mag-aaral. Ito rin ang tumutugon upang mabigyan ng laan na oras ang bawat isa para magbahagi ng kanilang suliranin at mga dramang bukid. Ang pagpasyal din ang mabisang paraan ng pagpapalawak ng pakikipag-ugnayan natin sa iba. Ikaw, san ang tambayan mo?
No comments:
Post a Comment