Monday, August 16, 2010

Tambayan: Masama o Mabuti ?

                From the root word "tambay", ang mga taong namamalagi o lumulikha ng lugar na pinagtatambayan. Dito nagaganap ang walang puknat na tawanan at kwentuhan ng magkakaibigan. Kung saan nagpapalipas ng oras at nagkakaroon ng bonding ang mga magkakaklase, ginagawa ang mga assignment at nagpapahinga.Kahit san ka tumingin makakakita ka nito. Sa loob man ng bahay o sa labas ng kalsada. May mga naaangkop na lugar sa ibat' ibang personalidad ng tao. Kaya siguro kumakalat ito ay sa kadahilanang tayo din ang gumagawa nito. Kung bakit saan mang sulok ay may natatambayan tayo. Pag nga lang may nadaanan tayong lugar at dun tayo nagpalipas ng oras at na-enjoy natin ang tinatawag na atmosphere doon binabalik-balikan natin at nagsasama pa tayo ng iba para naman makita nila ang kagandahan ng lugar na iyon. Lahat naman tayo'y nagkakaroon ng lugar na tatambayan.
                 Nagsisilbi itong buklod sa pagsasama ng mga nakatambay. Ganyan naman tayong mga Pilipino mahilig maglalabas at pumunta sa lugar ng ating mga kaibigan . Outlet din ito sa kung ano man ang ating  nararamdaman. Nalilimutan natin lahat ng ating mga hinanakit sa buhay pag kasama ang mga kaibigan at doon nagja-jamming dinadaan na lang sa kanta at tawa.
                  Maging masama o mabuti man ang naidudulot nito sa kabataan ay kanya kanyang trip yan. Walang basagan ng trip. Ang sa akin lang alagaan ang pinagtatambayan para marami pang henerasyon ang makagamit nito.Sino ba naman ang may gusto sa lugar na mabaho at madumi. Ilan sa mga halimbawa ng mga lugar na pinupuntahan ng mga estudyante sa labas ng BulSU.


1. Upgrade Youth Hub
                    
               Isa ito sa mga kilalang tambayan ngayon ng ibat'-ibang estudyante . Makikita ito sa tapat ng Puregold. Lahat ay maaring pumunta dito. Meron silang TV, computer, library, maglaro ng board games at musical instruments. Pwede ding kumain at matulog pati ng free counselling. Nung nakaraang pasukan nagkaroon sila ng mga imbitasyon para sa mga freshmen na libreng ice cream.Nagkaroon ng cell group isa itong paraan upang mapalapit ang kabataan sa Diyos sa isang makabago at astig na paraan.Mababait ang mga kasapi dito. marami rin silang mga activities na ginagawa araw-araw. computer,







2. Dota Land


           Dahil sa pag-unlad ng teknolohiya sa ngayon nalululong ang mga kabataan sa mga hi-tech na kagamitan. Isa na dyan ay ang computer. Sa mga maykaya mayrong laptop  pero pag wala nagpupunta na lang sa computer shop. meron nito malapit sa skul ang tinatawag nilang Dota Land. Nakapunta na ako dito at masasabi kong patok  ito. Mapa matanda o bata, estudyanta o hindi. Sikat dito ang paglalro ng dota lalo na sa mga kalalakihan minsan nga nagkakapustahan pa.Kung di mo alam kung pano laruin to mag - open ka na lang ng mga social networking site tulad ng facebook. Mga paraan para makamusta mo ang mga kamag-anak mo sa ibat-ibang lugar at makakilala ng mga foreigners. may youtube din , na gustong-gusto ko dahil sa mga video at music na makikita dito.Pwedeng gumawa ng research at project sa school na dati ginagawa natin sa library. Mahilig tayo sa instant, isang click mo lang nandyan na ang sagot sa mga tanong mo.
                                                                                                  Tunay ngang malaki na ang naiunlad ng teknolohiya sa ating bansa. Kung maganda ang epekto nito sa pag-unlad ng ating kaalaman may masama pa rin ito. Matagal ng usapin ang mga computer shop na malapit sa paaralan isa na sa mga nagrereklamo ay ang mga magulang na inaakalang nag-aaral ang kanilang mga anak. Ok lang naman ito wag lang sosobra. Sabi nga nila masama pag sobra tama na ang 1 o 2 oras ng pag-iinternet. Ubos na ang pera mo gutom ka pa dahil sa maling paggastos.

3. Mini Forest 
          
        Kung gusto mo namang  maranasan na mapalapit sa kalikasan dito ka pumunta. Maraming puno na nagsisilbing silong sa araw, masarap at preskong simoy ng hangin. Meron ding mga parang lapida. Doon iniukit ang mga pangalan ng mga sikat na personalidad  at mga bayani na sumikat sa kani-kanilang larangan, sila ay mga tubong- Bulacan.  May mga upuan para tambayan ng mga estudyante . Marami ding magkasintahan ang naglalagi dito at lantad na ipinahahayag ang kanilang nararamdaman. Kung gaano kaganda ang lugar na ito sa umaga ay syang ikinapangit nito pagkagat ng dilim. Sinasabi ng ilan na may mga karimarimarim na nangyayari dito lalo na sa magkasintahan.  Nagsisilbi din itong kanlungan ng mga kababaihang nagbibigay ng panandaliang aliw.
jjj

        Ano man ang maging anyo at epekto nito sa atin isa pa rin ang naidudulot nito isang lugar na pwedeng puntahan at magpalipas ng oras kasama ang mga kaibigan.

No comments:

Post a Comment