Tuesday, August 17, 2010

In na In na Tambayan sa BulSU

           Maraming paboritong tambayan ang mga estudyante ng BSU. Dahil wala namang ibang gagawin kundi tumambay na lang pag walang klase,kumbaga pampalipas oras. Kasama na rin dyan ang bonding ng barkada sa paboritong tambayan.Kung minsan eto pa yung ginagawa nating hintayan.

    1. Student's Park
      
    Isang lugar na masasabi kong masarap tambayan.Matatgpuan ito sa harapan ng Carpio Hall.Di ko alam kung bakit pagpasok pa lang sa umaga eh! marami na kaagad ang mga estudyante na nakatambay dito.Siguro dahil malapit ito sa mga building ng mga estudyanteng always present dito lalo na ang mga HRM. Makakarelax ka dito dahil mahangin at pwedeng gumawa ng mga ass.dahil may lamesa at upuan.Medyo may kalawakan din ang lugar na ito. Kaya dito din laging nagpapraktis ang mga dancers.Wala na akong ibang maipapaliwanag tungkol dito. Basta ang alam ko isa ito sa mga patok na tambayan sa BSU. 

     







 
    2. Lover's Lane

      Ito naman yung walkway na madadaanan mo sa Main gate ng campus. Bakit nga ba lover's lane ang bansag dito?
Obviuos naman diba lovers it means mag jowa lagi ang mga tambay dito. Di naman boring tumamabay dito kasi bukod sa maraming dumadaan,maaaliw ka pang panoorin ang mga player na naglalaro sa Activity Center. nasa harapan lang din kasi ito. So ayun lang siguro yung magandang explanation dito. Basta for me and also to all students pf BulSU. Hindi kami magsasawang tumambay dito.

      















    




3.LRT

       Naman ang isa pang in na tambayan dito.Oooops... wala pong lrt sa loob ng BSU. Ito lang ang upuan sa lrt. Matatagpuan ito sa walkway sa gate 2 sa gilid ng Roxas Hall. Okay tumambay dito kasi mahangin din naman, yun nga lang eh kung di pa masyadong mataas ang sikat ng araw. Medyo mainit kasi ang singaw ng bubong nito.

       





       Ahhhhh!!!!advise ko lang sa mga students. Alam kong masarap tumambay. Pero still we need to prioritize our studies. Pwede naman kasi tayong tumambay sa favorite place natin after class di ba....so ayun lang!!!!

No comments:

Post a Comment